so much for being random
grabe sobrang distracted ako sa internet at sa tv. magawi lang ako sa facebook, plurk, tumblr and TWITTER (my favorite lately). haha. hay. may gamot ba para makapagfocus? gamot para sumipag?
wala pa ring panalo ang UP sa UAAP. 0-2 na, okay lang 0-2 din naman ang dlsu. haha. pero sa huwebes sila ang magkalaban..sooo...0-3 na kami, 1-2 na sila. hahahaha. good job, 0-14 ftw! hahahaha (sarcastic).
panalo ang Team Pilipinas kanina sa Kazakhstan sa Jones Cup. yey! mabuti naman, nilampaso tayo ng Jordan nung sabado eh. haha.
champion na ang SMB sa PBA. tama prediction ko. pero mukhang benta yung laro, ewan ko ba. sa bagay, kebs naman si tandang cojuangco dun. pareho naman niyang team yon, win-win situation. tsss...mayayaman talaga.
Commercial model na raw si nanay dionisia. hayup! kung siya pwede, lalo pala ako. tae yan.
balik GMA7 na raw si cristine reyes. (walang utang na loob, pinasikat ka ng abscbn sa eva fonda tas babalik ka sa gma7). tapos inaway daw niya si Heart dahil kay dennis trillo. tsss...lalaki lang yan. (sa bagay ang hot kasi ni dennis. haha)
manonood ako ng And I Love You So. excited na ako! talaga. trailer pa lang umiiyak na ako paano pa pag sa sinehan na. hahahah. ang saya.
may nalaman ako..sikretong malupet pa sa ngayon., Diyos ko po, i-enlighten niyo sila to make the right decision.
ang taba ko. hay. gusto kong pumayat katulad ni bea alonzo. hay. :(
ayan...random stuffs of the week. wala lang. haha. Module time.
